MonthlyPeriod!

mula sa SmallRoom Publication landlord: denster

Wednesday, July 27, 2005

Now We're Talking

During lunch break:
Barkada: May boyfriend na ba siya?
Me: Wala pa eh. Kasi may asawa na ako.
Dave 's Status Message:
Dave: Don't judge the boobs when it is covered.

Over lunch, me and Melissa talking about the fish fillet:
Me: Hindi filleng-fillet 'yung tinik sa fish fillet nila.

Comment to Hope on meeting a girl:
Me: Beck-Shoot!

Advice to Hope on meeting a girl:
Me: Slow and short thrusts lang kapag first time.

My wife after seeing me wet and all one night:
Wife: 'Di ba sabi ko mag-tricycle ka?

After a heated argument at the phone:
Melissa: Gusto ko na nga siyang dukutin sa telepono sa sobrang galit ko eh.

At Pulp SummerSlam V
Jay of Kamikazee: Nasa backstage nga pala si Carlos Agassi, inuupakan namin.

After hearing the bad news:
Me: Wala tayong LOVE bonus. 'Asan ang love dito?

Profound Thoughts from an Indian Consultant:
Ram: He is only vegetarian when he is in their house. (talking about or ex-Indian Consultant, Srivatsa)
Ram: In Saudi, it's better to be in jail than to be outside.
Ram: After vegetarian dinner, every meat will gonna be fine.

During yosi break:
Me: What? Wendy's? Here in Makati?
Ram: No, I said it's kinda windy here.

Pre -Vinna 's Wedding Conversation:
Melissa: Bukas ba sa kasal ni Vinna, eh magdadala ko nang maraming tissue para sa'yo?
Melissa: Kaya mo ba 'ko sinasama eh para meron kang shoulder to cry on?

On a heated argument with a taxi driver:
Driver: Sabi niyo kanina Santolan!
Me: Santolan MRT po.
Driver: Sana, Santolan Edsa sinabi niyo, naintindihan ko pa. Babalik tuloy tayo.
Melissa: At least, nalibot natin ang Pasig.

On a drinking session courtesy of a newly grad soldier friend:
Buddy: Alam mo 'yang training niyo sa sundalo, parang training lang sa ROTC? (Drunk)
Me: Alam mo 'yang training niyo sa sundalo, parang training lang sa boy scout? (Very drunk)

On a conversation regarding my salary increase:
Sir Steve: Double whammy ka, baka kung ano nakuha mong increase noon, eh makuha mo ulit ngayon.

Talking about how behave his children were:
My wife 's cousin: Kaya maganda at matino iyan, hindi ko pinakain nang 2 araw.

Advice on how to treat children:
My wife 's cousin: Kapag may problema ka pa din, gutumin mo nang dalawang araw.

Upon seeing my baby's picture:
Melissa: Parang Cabbage Patch Kid ang baby mo.

Overheard from a foreigner at the Starbucks while talking to someone on his cellphone:
Foreigner: No, I mean beaches, I like swimming on beaches.
(I concluded that the other person on the line thought that the foreigner is looking for "bitches".)

After a motorcyclist revealed his gun to the driver of the jeepney who intentionally swerved the slow cyclist:
Driver: Ang tao talaga ngayon, kumukuha na lang ng tapang sa baril.

Upon learning that my baby can already rollover:
Sol: Baka nakita sa tatay kaya natuto ng dumapa.

Seminar on Basic Banking comments:
Gernel: Para maburiri natin ng todo.
Gernel: Parang tahing-benta. (RTW)
Gernel: Di ko kaya sa likod, sa harap lang.
Someone: Early Withdrawal
Someone: Sino nag-deposit?
Gernel: Pag teller, pasok lang ng pasok.
Me: No name dropping.
Gernel: Sa branch, ang kain eh parang jingle lang.

On inserting two ID card to a single ID card holder:
Sol: Pag may ilaw mga 5 minutes maipapasok, pag wala, dalawang palakpak lang.

Overheard from a lady on a cellphone at Starbucks:
Lady: Andito kami sa Pacific Star Bucks (talking about Starbucks at Pacific Star)

Comments at the elevator from two Claudine Baretto fan (or critic):
Bank Employee: Ang arte-arte niya naman umarte...

After entering the vicinity of Mandaluyong:
Rachie: Ewan ko lang kung naririnig niyo pero eto ang tinatawag nilang...

After entering the vicinity of Caloocan:
Me: Ewan ko lang kung naririnig niyo pero eto ang tinatawag nilang Monumento Park sa gitna ng highway...

Overheard while I'm trapped in an elevator:
Technician: May na-trap po ba diyan?
Terchician: Subukan ninyong buksan iyong pinto, both doors. Iyong right hand mo sa left door, 'yung left hand mo sa right door.
One Friend at the other side of the elevator: Ano last word mo?
One Friend at the other side of the elevator: May gusto ka ba diyan sa loob?
One Friend at the other side of the elevator: May ipagbibilin ka ba?
Me: Puwede ba magyosi dito?

During breakfast:
Me: Ikaw ba 'yung nasa right side ng elevator kahapon paglabas ko?
Sol: Itanong mo na lang sa akin kung nakita kita.
Me: Nakita mo ko?
Sol: Oo
Me: Ok

Reason of being absent yesterday:
Eric: Pare nagpacheck ako ng potassium level ko

Last birthday greeting syndrome (my favorite one):
A Fwend: Last na. Happy Birthday ulit...

Word For The Day:
Hope: Hilahod

A friend's response whenever I asked her to treat me:
ebtg: Nasaan ako? Sino kang kausap ko?
During lunch break:
Barkada: P're ang suwerte mo talaga 'no? Last year nanalo ka sa billiard tournament. Tapos na-promote ka pa. Ngayon naman sa bag ng Starbucks. Suwerte ka talaga.
Me: Binibigay na nga lahat ni Lord sa'kin eh. Sabi ni Lord, "Dense, ibibigay ko na sa'yo lahat, wag ka lang magpa-annul ng kasal."

Thursday, July 21, 2005

Caramel Bar

At the train station, I saw my world. She was there in slow motion, walking away from the door, straight into the exit. I was staring inside the train, in the window, straight to her. Hoping she'll look back and notice me staring at her. And something unexpected did happen. She looked back at the train, in the window, straight back to me. And there's more than meet the eyes. And I jumped off the train and went wandering with her. That's how we've met. And we ended up sharing a small caramel bar that night.

At home, I cooked lame breakfast and she cooked fine dinner. We bought a new record every week. Me, picking the old classic ones and she, choosing the rockin' tunes. We bought a new movie every week and memorized each funny and cheesy lines some people don't care about. We got all dressed up and praise one another on how we looked good with what we're wearing. We got all dressed up just to stay at home and go to a much needed sleep. We never run out of mundane things to talk about. Laughing our heart out until we cannot breathe any more. Then we'll go jump off of bed and outrun one another for the last bottle of our favorite drink at the fridge. Then start all over again, only this time, we'll be running outside to get a bottle of our favorite drink because there's no more left on the fridge.

We rode our funky bikes out to the old school yard and to the weird places where blind people play new wave music. We walked and talked for hours in the street and we stopped on every 24-hour cafe to get some frap. We walked on every lonely places and let them feel happiness. We talked about how life and people were unfair on some ways that we would end up crying on each other's shoulder. Then we'll laugh at one another. Just like that. Never wanted to be lonely together. Two people brought together by big time talks and laughters in that quiet town.

But then I rubbed my eyes. Reality check. I don't know how to ride a bike. I don't know how to cook. And she never looked back at me that night on that train station. And I ate the small caramel bar that night alone. 30.

Monday, July 11, 2005

Ex-Punk Symptoms

Nais ko lang malaman mo
Ang laman ng aking puso
Baka 'di na mabigyan ng ibang pagkakataon
Na sabihin ito sa'yo
April 2001 ng magkaroon ng trabaho ang aking girlfriend. Naiwan akong nagtitiyaga sa aking part-time job para sa minimum na sahod. Sa mga ganitong panahon ko nadama na hindi ko na kayang makipagsabayan sa mundo niya at kailangang humanap na din ako ng matatag na trabaho, na naging mailap noong mga panahong iyon.
Noong July 2001, nag-celebrate kami ng aming ikatlong taon bilang magkasintahan. Mula sa aking ipon galing sa kakarampot kong sahod, bumili ako ng pares ng gintong singsing. Ibinigay ko sa kanya ang isa, tanda ng aking pagmamahal at pangako na kapag ako'y nakakuha ng trabaho at nakapag-ipon na, siya'y akin ng pakakasalan. Hindi niya matanggap ang singsing sa kadahilanang... hindi ko pa alam. Bagama't nasa kanya na ang singsing, alam kong hindi niya ito isinusuot. Pagkatapos noon, unti-unti na siyang nawala hanggang noon September 2001, ganap kaming naghiwalay.

Di ko ito ginusto
Na tayo'y magkalayo
Ngunit di magkasundo
Damdamin na hindi magtagpo

Hindi ako nawalan ng pag-asang kami'y muling magkabalikan sa kadahilanang kami pa din naman ang laging magkasama sa mga lakaran. Parang tulad pa din ng dati. Ang kaibahan lamang ay - ang masakit sa akin na - hindi na nga kami. Ayaw kong mawala siya noon kaya kahit gaano kasakit ang sitwasyon na magkasama kami pero hindi kami, tiniis ko iyon. Habang ganito ang sitwasyon ay sinuwerte akong matanggap sa isang trabaho.

December 2001 nang minsang ihatid ko siya pauwi, sinadya kong mag-iwan ng katagang "i love you" na nakakagulat na kanyang ibinalik sa akin, with a smile. Naging kami muli. Tulad na ulit ng dati. Nabigyan ako ng bagong pagkakataon at pinilit kong 'wag na itong pakawalan pa. Pero hindi naging ganoon ang mga sumunod na pangyayari. Unti-unti muli siyang nawawala sa piling ko. 'Yan ang pakiramdam ko.

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
Na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Marahil 'di lang laan sa isa't isa

Dito ko nag-umpisang uminom nang halos araw-araw at naging madalas din ang aking pagsubok na manigarilyo.

March 2002 Mahal na araw, natapos muli ang aming pagiging magkasintahan. Nag-fell out of love na talaga siya sa akin ng tuluyan. Marami akong pagkukulang alam ko 'yun. At alam kong iyon muli ang naging dahilan ng kanya muling pagkawala. Naging kahapon na lang bigla ang mahigit tatlong taong pagsasama.

Sana'y wag mong isipin na pag-ibig ko'y di tunay
Dahil sa'yo lang nadama ang isang pag-ibig na walang kapantay

Isang ka-batch ko sa aking opisina ay nag-aya na manigarilyo minsan isang alas kuwatro ng hapon. Dahil nasa stage ako na nagpapahilom ng sugat, sa tingin ko noon ay makakatulong ang pagsubok ng mga bagong bagay para ako'y ganap na makalimot. At ako'y pumayag. Simula noon, patago kaming pumupunta sa likod ng isang building para mag-yosi kada alas-kuwatro. Habang nagpapahilom pa din ng sugat, muli kaming napadalas uminom. Araw-araw ulit. At mas madaming yosi. Hanggang dumating sa puntong ako na ang nagyayaya kay batchmate manigarilyo, at siya na ang tumatanggi.

8:00am, 11:00am, 12:00nn, 4:00pm at kapag uwian na - 'yan na ang naging schedule ko ng pagyoyosi, kasama ang ilang kaopisina. Sa Smoking Lounge (o Lung Center), doon na kami nagkikita kahit walang usapan. Basta, pagtungtong ng smoking break, nandoon na kaming lahat, biglaan.

Ngunit masasaktan lang
Kung puso ang pagbibigyan
Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan

Kape sa loob ng opisina para hindi ka antukin at yosi sa labas para makapag-refresh ng isipan. 'Yan ang prinsipyong dinala ko noon. Kapag nasa harap ako ng computer, asahan mo na may mainit na kape akong katabi. At kung wala ako sa aking cubicle, alam mo na kung saan mo ako makikita.

March 2002 - July 2005, maraming nangyari. Nagkaroon ako ng bagong kasintahan, nagpakasal at nagkaanak. Gumanda din ang pasok ng pananalapi sa mga promotions na aking natanggap. Mas dumami pa ang mga kaibigan ko. Madaming inuman at kantahan ang nasamahan ko. Nagkaroon ako ng mas marami pang karanasan. Nag-umpisa na akong tumanda. Nalimot ko na din ang dati kong kasintahan. At alam kong nalimot na din niya ako.

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
Na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Marahil 'di lang laan sa isa't isa

Noong, January 2005 nga pala, nang lumabas ang aking anak, tumigil ako sa paninigarilyo ngunit hindi ito lumampas ng sampung araw. Nag-umpisa kong bumalik sa paisa-isa hanggang tuluyang bumalik sa dating gawi. Hindi ko na maalis ang bisyo ng paninigarilyo.

March 2005 - July 2005, maraming nangyari. Mas malakas na akong magyosi. Nag-umpisang maglipatan ang iba kong tropa sa bagong kumpanya. Nag-umpisa din mag-gym ang aking mga kabarkada sa opisina. Nakita ko na lamang ang sarili ko na mag-isang naninigarilyo. Nang marami. Sa likod ng opisina, nagsasarili, nag-iisip. Minsan, sa yosi break, ako na lang ang nagyoyosi habang ang mga barkada ko'y kumakain ng ice cream o umiinom ng Zesto. Isang gabi, biglaan, sinabi ko sa sarili kong susubukan ko uling itigil ang paninigarilyo. Napakarami ko na kasing nahithit sa loob ng mahigit tatlong taon na kung inipon ko ay may pangbili na ako ng bagong cellphone. Wala na naman ang dahilan kung bakit ako naninigarilyo noon. Masaya na siya sa buhay niya siguro. Naisangla ko na din ang singsing na sumisimbolo ng mga panahong ako'y natutong humithit ng yosi dahil sa kanya. Nagka-asawa't anak na din ako. Malayo na ang narating ng ikot ng mundo. Kailangang itigil na ito. July 7. Iyan ang huling araw na ako'y sumubok humithit ng sigarilyo. Kung mababasa mo ito ngayon eh, pang-apat na araw ko na sa aking misyon.

Darating sa buhay mo
Pag-ibig na laan sa'yo
At mamahalin ka niya ng higit sa maiibigay ko

Noong una, nakakalaway, nakakainis, nakaka-miss ang sigarilyo. Nakaka-miss mawala ang dating nakagawian, dating kapiling, dating kasama sa bawat paglalakbay. Pilit kong iniiwasan ang mga taong nakikita kong makakapagpaalala para hindi ako mainggit at malungkot. Dinadaan ko na lamang sa candy. Marami akong bagay na tinigil gawin kahit gusto ko ang mga iyon para lamang mapaiwas sa mumunting mga alaala.

Sana'y kasama kitang nagnanais na hindi ko na muli dalhin ang aking lighter para 'di na muling magsindi nang isa pang stick. At sana'y tuluyan na kitang malimutan. Makakatulog na din ng mahimbing ang mga kaibigan kong pilit na akong pinapatigil. Kaya samahan mo akong tumungga ng kape para sa isang paparating na selebrasyon. 361 days na lang at isang taon na kong hindi naninigarilyo. Limutin mo ako't lilimutin na din kita. Sa mahigit tatlong taon din nating pagsasama, paalam na, aking mahal.

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
Na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Marahil 'di lang laan sa isa't isa

Tuesday, July 05, 2005

Tuesday.

Blink 182's live rendition of Dumpweed, Don't Leave Me, Aliens Exist, Family Reunion, Going Away To College, What's My Age Again?, Rich Lips, Blew Job, Untitled, Voyeur, Pathetic, Adam's Song, Peggy Sue, Wendy Clear, Carousel, All The Small Things, Mutt, The Country Song, Dammit, Man Overboard; Hale's Blue Sky, Kahit Pa, Kung Wala Ka, Runaway, The Day You Said Goodnight; The Company's Afraid For Love To Fade, Eevrlasting Love, For The Long Run, Hardcore Poetry, Just A Love Song, Muntik Na Kitang Minahal, Now That I Have You, Pakisabi Na Lang, Precious And Few, Specail Memory, What Would They Say, You Changed My Life In A Moment; Aliya Parcs' Stop Think, Apo Hiking Society's Saan Na Nga Bang Barkada, Ashley Simpson's Pieces Of Me, Barbara Streisand & Bryan Adams' I Finally Found Someone, Barbie's Cradle's Pangarap, Bob Marley's Waiting In Vain, Bong Gabriel's Ang Aking Awitin, Cambio's Corporate Attire, England Dan & John Ford Coley's Sad To Belong, Everything But The Girl's Cross My Heart, Glen Frey's Lover's Moon, Imago's Akap, Itchyworm's Antipara, Janno Gibbs' Fallin', Keahiwai's Falling, Lea Salonga & Brad Kane's We Could Be In Love, Lisa Loeb's Stay (live), M.Y.M.P.'s Tell Me Where It Hurts, Michael Jackson's The Lady In My Life, Paolo Santos' Mapansin, Rannie Raymundo's Why Can't It Be?, Rivermaya's Imbecillesque, Teeth's Darating, The Rembrandts' I'll Be There For You, Ang Bandang Shirley's Tsuper, Bamboo's Hallelujah, Concrete Sam's Hina Ng Loob, Counting Crows' Accidentally In Love, Kamikazee's Chiksilog, Lifehouse's You And Me, and Mayonnaise's Bakit Part 2.

68 songs. Lahat 'yan napakinggan ko sa aking reliable mp3 player mula pag-alis sa bahay hanggang makarating sa opisina. Ganoon katindi ang trapik. Ganoon ako katagal nagbiyahe. Buti at second late of the month ko pa lang kaya medyo kalmado pa ako. 'Yun lang. Grrr.

Monday, July 04, 2005

And What-Not

Alpha

Pagkagising, pagkatapos magkape at magyosi, pagkatapos magbasa ng diyaryo, pagkasipilyo, pagkaligo, pagkabihis, kailangang handa na naman sa paglalakbay papasok sa opisina. Hinanda ang mp3 player, bumili ng yosi, nagbulsa ng Halls candy at nag-umpisa ng maglakad.

Sa kalsada, makikilala mo na ang mga lubak, mga dumi ng aso at mga maputik na bahagi na dapat mong iwasan. Makikita mo palagi ang mga tambay sa kanto, ang mga nagdidilig ng kalsada, ang mga nagwawalis ng halamanan, ang mga nagpapasyal sa kanilang aso, at ang mga nakatigil na bangaw sa hangin. Maririnig mo ang sigaw ng taho, puto at bibingka, ang tsismisan tungkol sa nagdaang araw, ang kahol ng mga aso, ang tilaok ng mga manok at ang hanging pilit dumadampi at lumalaban sa init ng sikat ng araw. Madadama mo na ang pagod, ang hirap, ang layo, papasok ka pa lang. Maglabas ka na ng Halls candy.

Paglabas ng eskinita na naglalaman ng graffiti tungkol sa kalinisan na natatakpan lamang ng mga natapong basura kagabi, alam mo na ang kasunod. Giyera na. Panibagong pakikibaka makarating lamang sa opisina. Ang mga ingay ng sasakyan, mga usok ng kanilang tambutso, ang mga sigaw ng tagatawag sa pasahero, iyan ang almusal mo papasok. Tapos, yosi ang appetizer mo.

Habang binabaybay ng jeep ang kalsada, makikita mo ang mga estudyanteng late na sa kanilang klase katulad mo. Andoon din ang mga tinanghali mamili sa palengke. Ang mga namamalimos na itinulog na lang ang gutom. Ang mga traffic enforcer na walang alam sa daloy ng trapiko. Ang mga tindahan ng kung anu-anong bagay at pagkain na hindi pa nauubos. Pagbaba mo ng jeep, lakad ulit, habang nagsisindi ng panibagong yosi.

LRT. Siksikan, mainit at matagal. Kasama mo dito ang mga katulad mong pilit hinahabol ang oras. Nandito ang mga hindi pa naligo at nag-almusal. Ang mga puyat. Ang mga maiingay. At ang mga tahimik at nagdarasal na sana'y makarating sa kanyang pupuntahan. Lahat nandito na. Hindi ka nga lang pwedeng magyosi. Buti at may baterya pa ang mp3 player. Gagawin ka nitong bingi sa lahat ng mga ingay na pinagsawaan mo na ding mapakinggan. Bagama't minsan, ninanais mo din itong hinaan o patayin at baka may bago na sa mundo ng tren ng buhay mo.

Habang bumababa sa tren, naglabas ka na ng panibagong Halls candy. At pagbaba sa huling bahagdan, isa na namang yosi. Yosi na kasama mo sa paglalakad at pag-aantay ng bagong masasakyan. Malayong lakaran, kasama ang mga taong nakasakay mo sa LRT kanina lang. Takbuhan, unahan, pag may jeep na daraan. Minsan, hindi sapat ang isang yosi sa paghihintay. Kailangan mo pa magsindi ng panibago bago matupad ang hiling mo na isang jeep o fx na wala pang pasahero, kasama ang dasal na sana ay umabot ka pa sa grace period.

Pagbaba sa malapit sa opisina, magsindi pa ng isang yosi. Maglalakad habang nagyoyosi at kumakanta. Palinga-linga at baka may makita na kakilala o kaibigang bihira mo ng masilayan. Maghintay mag-red ang traffic light. Tapos tawid patakbo. Magpi-pin ng ID. Papatayin ang mp3 player at lilipadin ang bundy clock. Yes. Hindi ako late. Masaya kang papasok sa iyong tanggapan at bubuksan ang computer kasabay ng pagkain ng in-order na egg sandwich.

Hay, kay tagal mag 5:30 para makapaglakbay muli. Makapagyosi nga muna.

Omega

Minsan, habang naglalakbay makikita mo ang mga taong dati mo nang nakikita. Kung paanong ganoon pa din ang kanilang ginagawa. Kung paanong ang kilos nila ay nakabisado mo na. Makikita mo din ang mga bagong mukha. Kung paanong punung-puno sila ng pag-asa sa bagong lugar na kanilang napili. At kung paanong malungkot at bigo pa din nila ito lilisanin. Minsan, nakakapagod na silang tignan. Nakakapagod na makilala mo sila sa iyong sariling paraan at bigla na lang silang mawawala isang araw. At makakakita ka na naman ng mga bagong mukha na alam mong ikakapagod mo na naman na kilalanin.

Ano ba ang tingin nila sa lugar na ito na kanilang kinapadpadan? Isang pag-asa? Sabagay, nang muli kong tignan ang lugar na aking kinalakihan, madami na nga ang nagbago. Suwerte sila at ang mga pagbabago na ang kanilang nadatnan. Hindi na nila nakita ang mga matatandang tambay na harapang nagbubugahan ng marijuana sa daan. Ang mga gabing pinapatay ang ilaw sa poste para makapag-session ng bato sa saliw ng tugtuging "happy birthday". Ang mga riot. Ang mga eskandalosong away mag-asawa. Ngayon, makikita na nila ang mga bata pa lang ay marunong nang gumawa ng pipa para sa marijuana. Ang mga posteng lantaran ng nakabukas para sa mga nagbebenta ng bato. Ang mga barilan. Ang mga saklaan kahit walang patay. Marami na ang nagbago. Iyon naman eh ayon lang sa opinyon ko.

Marami nang lugar ang nagsara. Napalitan na ng mga bago na pilit nagpapakagarbo malampasan lamang ang naibahagi ng lugar na dating nakatayo dito. Kung maglalakad ako sa aming lugar, at ipipikit ko ang aking mga mata, wala na sigurong flashback ng mga lumang alaala. Hindi ko na ito makikita pa. Makikita mo pa ba ang mga vandalism na minsan mong sinulat sa pader nung ika'y sumali sa isang fraternity gayong ito'y pininturahan na at tinayuan na ng isang computer rental shop? Makikita mo pa ba ang puno ng kamyas na inyong pinagtatambayan ngayong ito'y pinutol na at isa nang basketball court? Makikita mo pa ba ang barberya na nung minsang magpagupit kayong magkakabarkada eh halos pare-pareho ang naging gupit niyo kahit iba-iba ang hiniling niyong gupit gayong ito'y natayuan na ng McDonalds? Makikita mo pa ba ang parke na tagpuan niyo ng iyong sinta gayong ito'y pinamugaran na ng iba't ibang food outlet? Swerte ang mga bagong dating at hindi na nila mararanasan ang pagkaulilang nadama ko para sa mga lumang alaala sa lugar na ito. Sana nga lang eh bagong pag-asa ang ipinunta nila dito at hindi ang dahilang gusto lang nilang manggulo dahil hindi nila ito magawa sa dating lugar na tinigilan nila. Hindi namin kailangan ng manggugulo. Marami kami dito niyan.

Minsan, nakakatuwa na sa isang kuwentuhang barkada, mag-uunahan kayong magbigay ng pinakamatinding panlalait sa inyong lugar. Pero kapag ibang tao ang nanlait dito, eh handa ninyo itong ipagtanggol hanggang patayan. Hindi ko pa nagawang malait ang lugar na aking kinalakihan. Palaging may nauuna sa akin. Hindi man ganoon kaaya-ayang tignan, maipagmamalaki kong hindi ako nagpatangay sa lugar. Sa lugar na bagama't mahirap pakisamahan noong una, eh nagpumilit pa ding makibagay sa akin. At madami ding tulad ko na dati'y walang pag-asa eh nakikita ko ng nakangiti sa lugar na amin ng natutunang mahalin. Malayo man ito sa ideal neighbor na inyong pinapangarap, hindi naman siya peke. Natural ang kilos ng bawat isa. Lahat, pinapakita lang kung ano at sino talaga siya. Hindi man siya kaaya-ayang lakbayin para sa iba, handa ko itong ikutin maghapon basta may Halls candy at yosi.

Hay, kay tagal mag 5:30 para makapaglakbay muli. Makapagyosi nga ulit.
(p.s. - kuha ang title sa nag-commentary kanina sa credo. Paulit-ulit niya itong binabanggit kapalit ng more famous at classic na "etcetera")