MonthlyPeriod!

mula sa SmallRoom Publication landlord: denster

Sunday, April 10, 2005

Mga Bagay Na Aking Natutunan Sa Pagpunta Sa Kasal Nang Dati Kong Minahal

1. Kapag nandoon ang mga kakilala niyo dati, na dati ring nanunukso sa inyo, tutuksuhin ka pa din nila sa kanya kahit alam nilang ikakasal na siya at ikaw ay may asawa't anak na.

2. Tatanungin ka nila kung, "Masakit ba?"

3. Kapag nakita mo ang dati mong minahal na inaayusan para sa kanyang kasal, 'di ka makakapagsalita. Hindi dahil nabighani ka ulit, kung hindi dahil wala kang maisip sabihin na hindi awkward ang kalalabasan. Mas masarap pa ito kapag tinanong ka mismo nang dati mong minahal nang, "Oh Dense, bakit hindi ka makapagsalita? Speechless ka yata?"

4. Kapag nakita ka nang nanay at kapatid nang dati mong minahal, masaya sila na nakadating ka sa okasyon. Kakamustahin nila ang buhay mo para hindi ka masyadong feeling "all by myself".

5. Kapag naglalakad na sa aisle ang groom, pipigilan ka nang mga tropa mo na parang ayaw nilang saktan mo 'yung groom kahit wala ka namang balak gawin 'yun.

6. Sasabihin nang tropa mo na, "mas guwapo o mas maganda ka diyan" para gumaan ang loob mo.

7. Kapag naglalakad na ang bride, aasarin ka nila sa pamamagitan nang pagsaksak sa kanilang puso na simbolo nang "ouch".

8. Hahawakan ka nila para pigilan kapag nagtatanong na ang pari kung "may tututol ba sa kasalang ito?"

9. Patuloy pa din ang pang-aasar na mas matindi kapag sinabi na nang pari na "you may kiss the bride." Gusto mo na silang murahin at pagbabarilin.

10. Sa picture taking, gusto nila ay tabihan mo ang dati mong minahal para daw souvenir. Tapos susungayan daw nila 'yung partner para makaganti.

11. Kapag patayo-tayo ka at paalis-alis sa puwesto para magyosi, sasabihin nila na nate-tense ka.

12. Kapag panahon na para magpaalam at kinamayan mo na ang taong minahal mo dati, sasabihin niya sa iyo na "kiss naman diyan". Tapos, "o embrace naman." Pampagaan siguro nang loob.

13. Kapag pinakilala ka niya sa kanyang asawa, puwede ka niya pakilala na, "Honey, this is my lover." Na ikakagulat nang kanyang asawa. Babawi naman agad siya nang "Joke only."

14. Mami-miss niyong magtotropa 'yung good ol' days. Magyayayaan kayo na mag-inuman minsan. Mangangako kayo na magkikita-kita ulit.

15. Hindi lahat ay mabibigyan nang souvenir.

16. Hindi ko kakayanin ang napakaraming putahe. At hindi mo na mauubos ang dessert.

17. Hindi lahat ay makakasabay mo pag-uwi.

18. Uuwi sila nang bahay na ang feeling nila ay "labis kang nasaktan" gayong sampung taon na ang nakararaan nung siya ay minsan mong minahal. At ikaw ay kuntento na sa iyong asawa't anak.

19. Gaganti ka na lang next time. Grrrr.

Thursday, April 07, 2005

Sino Ba Ako?

1. Ako'y isang pinoy, sa puso't diwa.
2. May tongue-piercing ako na regalo ko sa sarili ko last 2003. Plano kong magpa-tattoo. 'Yan eh kung papayagan ako nang misis ko.
3. Valedictorian ako noong elementary. Hanggang doon lang ang powers ko.
4. 7th Honor nung First Year High School at minsang naging Dean's Lister noong college.
5. Paborito kong ulam? Menudo.
6. Paboritong pelikula? Shakespeare In Love.
7. I have a baby girl named Denise Pauline "Yahoo" via my lovely wife, Dhzoi.
8. Motto In Life? It's the trip, not the destination.
9. Paborito kong kanta: "Lighyears" mula sa paborito kong banda "Eraserheads".
10. Hindi ako marunong at mahilig lumangoy.
11. Idol ko si Charles Barkley, Noli Locsin at Dirk Nowitzki sa basketbol.
12. Unang tinitignan ko sa babae ay ang kanyang itsura kapag pinagpapawisan.
13. Inuumaga ako kakalaro sa PC. May pasok man o wala kinabukasan.
14. Fan ako ni Robin Williams, Adam Sandler, Meg Ryan at Tom Hanks.
15. Mas gusto kong magbabad sa PC ko keysa gumimik sa labas. Homeboy.
16. Weekend ang paborito kong araw.
17. Mahilig akong magsulat, maggitara, makinig nang musika, manood nang pelikula at magbasa.
18. Hindi ako mahilig sa mamahaling bagay na hindi naman ganoon ka-importante.
19. Fan ako nang wrestling, noon at ngayon. Isa siyang mahabang telenovela para sa akin.
20. Trip ko ang Amazing Race, Fear Factor at Eat Bulaga
21. Analyst/Programmer ako ngayon sa isang bangko.
22. Death Song? "Flower" ng Rivermaya at "Come Together" ng The Beatles.
23. Yosi at kape? ulam at inumin ko 'yan.
24. Ayoko sa taong magulo kausap.
25. May fanzine ako na ang pangalan ay "Monthly Period!". Para sa libreng kopya nang issue number six, send a blank e-mail at: densmallroom@yahoo.com