MonthlyPeriod!

mula sa SmallRoom Publication landlord: denster

Friday, September 30, 2005

First Wedding Anniversary

Nagsend ako ng IM sa mga friends ko. -->
Me: 1st yr wedding anniv namin ng misis ko. Paper ang traditional gift. any suggestion ng gift with touch of paper? tnx.

At eto ang mga naging conversations -->
Lara: uy... hmmm... cge isip ako...
Me: tnx....
Lara: origami ng bouquet of flowers?

Lara: dapat gawa mo!
Lara: para mas sweet!
Me: nge.... ngayong araw na kasi eh... wala ng time para doon....
Lara: naku ganon ba... hmmm... isip ako ulit...

Me: tnx...
Lara: love letter... pinakamadali...

Me: hehehe... bukod dun... cyempre meron na noon....
Lara: cge isip pa ko...

Me: ok....
Lara: un japanese paper lamps... ilaw nman cia ng tahanan eh...
Lara: isip pa ko ulit...

Me: pede...tignan ko... tnx....

==================

Mikerosan: hmmmm.....
Mikerosan: now loading......
Me: ok.. tnx.... isip ka ha....
Mikerosan: kk
Mikerosan: oist

Me: ano?
Mikerosan: how about scrap book nyo dalawa?

Me: ngayon na kasi eh... so scrapbook lang na walang laman ang kaya kong ma-produce...hehehe....
Mikerosan: may pics nyo

Mikerosan: tapos ung cover un manipis na paper
Mikerosan: waaaahhhhh
Me: wala na kong time gawin ngayon....ngayon na talaga... as in....
Mikerosan: baket kc ngaun lng
Mikerosan: hmmmpppphhh
Mikerosan: oist

Mikerosan: magbrowse ka na lng sa papemelroti
Mikerosan: magtitingin ka dun
Mikerosan: dame paper products nun
Me: nice.... hehehe... mejo naisip ko na din yun.... ym ka pag may naisip kang mejo kakaiba dun ha?
Mikerosan: okies

================

sscfp: happy anniv sa inyo..
sscfp: paper??......iisip ako ah
Me: ok... tnx....
sscfp: honeymoon na lang ulit ang gift mo sa knya

sscfp: sa isang 5 star hotel
Me: hehehe... walang paper involved dun....
Me: hehehe...
sscfp: hehehe...pag pumirma ka sa hotel, may paper dun

sscfp: ay teka nga pla. magkagalit tayo diba??!!!...hmp
Me: hehehe... naisip ko nga din.... hehehe....pero wag na yun... iba na lang....
Me: magkagalit ba tayo? sorry....
sscfp: hello
Me: grabe! dami nag-suggest sa ym... post ko mamaya...hahaha!!!! anonymous cyempre...
sscfp: hehee..talga??..wow....

Me: hehehe.. sama ko suggestion mo ah....hahaha...
Me: anonymous naman....
sscfp: ..
Me: ano?
sscfp: honeymoon na lang kasi ulit eh, para masundan na si yahoo..
Me: nge... mamumulubi na ako noon....
sscfp: hehehe.....
sscfp: para may yehey ka na

Me: hehehe... saka na.... bata pa naman ako eh....
sscfp: uy tlaga ah....wow tlaga...hehehe.....

==================

Angel Hanipay: sumulat ka ng story niyo.. yung iba nga nagagawan mo e
Me: hehehe....ikaw talaga... uupakan kita eh...
Angel Hanipay: scrapbook.. card.. libro.. annullment papers...last will and testament..

Me: kelan naging magandang gift ang annulment papers?
Me: naisip ko din 'yung isang set ng scrapbook... tapos isang book na pedeng basahin... at ipapadevelop ko yung mga pix ni yahoo sa pc... ok na ba 'yun?
Angel Hanipay: hmmp! may maibigay lang..

Me: uupakan kita pag punta ko jan mamaya.....

==================

Ate Kath: kakabalik ko lang sa table ko.. isip ako
Me: tnx....
Ate Kath: nagtingin ka na ba sa Papelmeroti na store

Me: ahm, di pa eh... two weeks na ko nasa dasma...ngayon lang nalibre.... eh ngayon yung anniv namin....hehehe...
Ate Kath: ganun..

Ate Kath: kahit naman ano ibigay mo, matutuwa na yun..
Ate Kath: sigurado yun..
Me: hehehe... naisip ko nga eh scrapbook at isang book....
Me: tnx ha?
Ate Kath: o kaya sa powerbooks madami maganda dun..
Ate Kath: medyo mahal nga lang..
Ate Kath: hehehe..
Ate Kath: book.. pwede na din
Me: oo nga eh... tingin me mamaya... uwi nga agad ako eh....
Ate Kath: san ka ba manggagaling? so robinsons ermita may powerbooks dun
Ate Kath: sa counter lang nila nakapalibot marami ka na makikita..
Me: sa makati ako galing, makati ave....
Me: robinson's place ermita? oo nga no....
Ate Kath: yup. meron dun..

Me: tnx....
Ate Kath: o kaya sa art's and stichin ba yun?
Me: hindi ko alam yun....
Ate Kath: sa robinson's place ko din nakita yun

Me: tignan ko din....
Ate Kath: congrats ha.. sa 1st year anniv nyo..

Me: tnx....

==================

Takuza: di ba ung mga discount card sa mga motel made of paper? pwede rin yun, men
Takuza: ticket sa theater play
Takuza: sign pen nna may pangalan niya
Me: ok... suggestion ba yan ng daddy mo? hehehe... wala na bang iba?

==================

KruelEdge: card?
KruelEdge: hahahaha
KruelEdge: letter....
Me: bukod dun? hehehe....
KruelEdge: na nasa magandang stationary...????
Me: un lang....hehehe....
KruelEdge: poem....
Me: pare, pag-uwi ko, magtago ka na... papaluin kita ng tubo....
KruelEdge: uy...merong gig ngyon s baywalk fountain area...ksama saydie...etc...tpos bukas World Youth Day s amoranto...Queso...kamikazee...houndz...saydie...?
KruelEdge: andale...2ngkol s gift....isip muna ko...ha
Me: anniv nga eh.....
Me: sige isip ka pa...tnx....
KruelEdge: book?

KruelEdge: ndi serious....book...d ba mahilig sya dun?
Me: ewan ko... balak ko din book eh...
KruelEdge: o di bah>>>>>

Me: siguro nga...
KruelEdge: alam mo ung mga papel n pag ... ung parang moving picture pag inaano...ung kala mo may tumtakbo pero mga drawings lang un...ung ganun...

Me: hindi pa yata ako nakakakita ng ganun pre....
KruelEdge: ung pag piniflip mo eh parang animation...

Me: hindi ko talaga alam yun.... mukhang pambata eh....
KruelEdge: pero set of drawings lang un....
Me: hindi ko talaga alam..... baka pang-elementary yung bag na yun...
KruelEdge: oo tama book n lng...hehehehe

KruelEdge: aong cnsbi mo jan
Me: oo nga
KruelEdge: anong bag?
Me: bag yung kinukwento mo diba?
KruelEdge: ndi...moving pictures...
KruelEdge: hala!!!
KruelEdge:
Me: oo nga no... papel na pag.... pala yung na-ym mo... kala ko papel na bag... grabe....
KruelEdge: o di ba...may idea ka na....halimbawa...s 1st page eh nka step forwardun left foot then s mga succeeding pages eh mag-iistep forwrd nman ung right foot...db

KruelEdge: set of drawings when flipped eh parang animation...
KruelEdge: k?
Me: san ba nakakabili nun?
KruelEdge: ewan...
Me: un lang....
KruelEdge: gawa ka?
KruelEdge: hehehehe
KruelEdge: drawing mo sya ung natutulog n pabiling biling...heheheh
KruelEdge: db?
Me: nice....konti pa at papaluin na talaga kita ng tubo
KruelEdge: hehehehe

KruelEdge: portrait n lng nila ni yahoo....pencil lang ang gamit db?
KruelEdge: cyempre dapat gawa mo
KruelEdge: may touch n ng papel .... touching pa talaga....
KruelEdge: hehehehe

KruelEdge: peace out n tol.....
KruelEdge: gud luck s anniv...

==================

Sophie's World: hi dense, kelan mo kelangan yong suggestion re gift? wala pa akong maisip ngayon.
Me: ngayon po ang anniv namin eh.... hehehe....
Sophie's World: okay sige isip ako, ym kita bago ako uwi

Me: tnx...
Sophie's World: mahilig ba siya sa painting?

Sophie's World: try mo papier tole kung mahilig siya sa painting
Sophie's World: or art pala not necessarily painting. or ang classic, flowers tapos bili ka ng
magandang card. mas maganda blank tapos ikaw na maglagay dedication total magaling ka namang magsulat

Me: hindi cya mahilig sa painting ma'am.... hehehe.... yung card, meron na po....
Sophie's World: okay na yong suggestion ko?
Sophie's World: ano bang hilig nya?

Me: ahm, books po.... balak ko nga bilhan cya ng sophie's world... nakakita na po ako eh....
Sophie's World: good idea, maganda ang sophie's world. mahilig ba sya sa philosophy?

Me: hindi ko po alam.... pero ngayon po eh nahihilig cya sa buks ni dan brown....
Sophie's World: di ayon na lang bigay mo. or maganda rin yong The Alchemist ni Paulo Coelho
Me: saan po tungkol yun?
Sophie's World: tungkol sa isang lalaki na naghahanap ng treasure. Inspirational siya

Me: ah ok po....tignan ko mamaya.....hehehe.... tenkyu po...
Sophie's World: happy anniversary

Me: tenkyu po...

Final Answer -->
Kain na lang kami sa labas :D

1 Comments:

Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Hi, i think that i saw you visited my weblog thus i came to “return the favor”.

I'm trying to find things to enhance my site!I suppose its ok to use some of your ideas!!

Also visit my blog: Psn Code Generator

12:51 AM, June 10, 2013  

Post a Comment

<< Home