MonthlyPeriod!

mula sa SmallRoom Publication landlord: denster

Monday, August 08, 2005

What-not

me: ememeng, kuha ka na ng pitsel at lagyan mo ng tubig. tapos bibili na kami ni James ng maiinom at pulutan.
ememeng: sige pare, antayin niyo ko.

habang naghihintay, nag-umpisa ang kuwentuhan:

me: pare nung grade four ako, nawala 'yung hand throwel ko para sa gardening. hindi pinaalis ang buong klase hanggang hindi nabubuklat lahat ng bag at hindi nalalaman kung sino ang kumuha. ng hindi makita, nag-decide ang titser namin na mag-ambagan na lang ang klase para mapalitan ang hand throwel ko. pag-uwi ko, dalawa ang hand throwel ko. nasa pinakailalim pala ng mga gamit ko kaya hindi ko nakita.

krueledge: alam mo ba kung bakit 'yung isang kamay ni pong pagong eh nasa bandang dibdib niya lang lagi? kasi pare 'yung isang kamay nung taong nasa loob, nagpapaypay!

deday: one plus one?
balweg: two!
deday: two plus two?
balweg: four!deday (with intimidating stare): four?!
balweg (smiling): hindi, joke lang.

deday: ano ingles ng water?
clemente: h2o!
deday (with initimidating stare): sigurado ka h2o?!
clemente: ahm, oo, h2o. hindi, joke lang.

chito: pare virgin pa ako pero alam ko na lahat ng gagawin.
krueledge: pero hindi mo pa alam 'yung feeling.
kareshi: subukan mong magsawsaw ng pandesal sa kape, tapos idikit mo sa ano mo, 'yun ang feeling.

krueledge: sabi mo nakita mo na ito vina? (a lewd magazine) eh bakit sa tuwing may magbubuklat eh lumalapit ka?

james: alam niyo 'yung mga bahaw niyo, masisira din 'yan kinabukasan. kaya ilabas mo na para bibili na lang ako ng sardinas.

krueledge: pare, 'di ka man lang naghugas ng kamay. amoy ano pa eh....

me: minsan wala akong salamin, kinawayan at tinawag ko si anto. habang papalapit, nakita ko na hindi pala si anto 'yung kinawayan at tinawag ko. para hindi ako mapahiya, nung malapit na 'yung lalaki, sumigaw at kumaway pa rin ako sa imaginary anto. para hindi niya isiping siya 'yung tinawag ko.

common punch line: paluin kita ng tubo eh .or. kaya ka natutubo eh. (kung bakit? click mo ito)

me: asan na si memen?
krueledge: nabartolina na, hindi na siguro pinayagang lumabas.
james: uwi na tayo. naghintay pa ako sa wala.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home