MonthlyPeriod!

mula sa SmallRoom Publication landlord: denster

Thursday, May 26, 2005

Ode To Ben And Tracey

May pagkakataon ba na ang isang araw sa buhay mo ay ninais mong ulitin magmuli? May ninais ka bang baguhin dito?

Mga natigil na alala ng panahong lumipas. Mga larawang nagdaan bago ka lumisan sa lugar na iyon habang ang lahat ay nagpaiwan, nag-usisa, tumahak ng ibang daan o pumunta sa kawalan.
Alaala ng magandang samahan.

Mga sitwasyong alam mo na kakaumpisa pa lamang ngunit pilit nang tinatapos sa hindi malamang dahilan. Dahil ba sa tingin nila ay mali? Dahil ba naiinggit sila? Dahil ba ito na ang nakagisnan o kinalakihan? O dahil hindi lang talaga nila maintindihan? Ngunit kung tutuusin, ito ay pwede, basta walang masasaktan. Na ito ay posible kung hindi lang magdidikta ang nakararami na ito ay hindi maaaring mangyari. At kung hindi ka papalupig sa diktang ito.

Iyan ay isa lamang pahina sa pagiging magkaibigan. Marami pang magagandang adventure ang pagiging magkaibigan. Iyan ang isa sa mga musika ng buhay. Kung paanong ang buhay at musika ng buhay mo'y nagiging bahagi na din ng buhay niya, even if it's for only one memorable day, one monumental night. Paglipas ng mga taon, maaalala mo pa din ang mga pangyayari mula sa mga awiting nagbigay daan sa inyong pagkakakilala, pagkakabungguan o pagtatampuhan o paghihiwalay man. Mga awitin kung saan nakilala mo ang iyong mga naging kaibigan, mga hindi naging kaibigan, naging bestfriend, o pati ang iyong nakatuluyan. May mga taong patuloy na nagre-reminisce ng mga panahong una silang nagkita ng kung sino mang dumaan sa buhay niya. 'Pag narinig nila ang kanilang mga awitin noon, naaalala pa nila ang kanilang panahon. Ang panahong ninais na ulitin na magmuli ng minsan pa.

May ibang mga gabi na memorable for a different reason. Mga masayang gabi na sa una'y mukhang okay lang. Nandoon ang same old songs, at lahat ay kumilos on same old motions. But once the crowd was cleared, alam mong di mo makakalimutan ang gabing iyon. Dahil doon natapos. May bahaging natapos.

Wala kang nagawa kung hindi iligpit ang iyong mga gamit at magpaalam. Walang batas. Lahat pedeng mangyari.

Biglaan.

May mga ganitong gabi at may mga mas malala pa. Maaaring walang nagwakas pero may nangyari na mas higit pa sa pagwawakas, o may nagwakas kung hindi lang naagapan. Mga gabing ninais mo na lamang kalimutan ngunit nakakatuwang ang musika'y pinipilit ito isiksik sa iyong ulo at idikit ito sa iyong mga alaala.

May pagkakataon ba na ang isang araw sa buhay mo ay ninais mong ulitin magmuli? Oo naman.

May ninais ka bang baguhin dito? Di ko alam. Lahat. Wala siguro. Ganoon pa din siguro magtatapos kung paano ito totoong natapos. Doon pa din siguro ito magtatapos kung saan ito talagang nagsimula. Minsan, ang mga pangyayari'y sadyang napakabilis na lahat ay dumadaan lamang sa iyong mga mata. Isang malaking gabi, at maagang natatapos, walang sapat na oras para mag-usap pa at pag-usapan ang mga bagay na hindi nasabi.

Bakit kailangang matapos? Pwede pa ba ang isang kanta bago tuluyang matapos? Dapat pumili ng isang maganda. Yung tipong aawit-awitin mo pa din hanggang sa paguwi at pagtulog mo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home