ISANG BATA
May isang bata na pinanganak sa isang magulong lugar ng Kankaloo. Ang batang ito ay naunang matutong lumakad bago gumapang. Sa edad na tatlong taon eh kaya na niya i-drowing ang isang babaeng naka-belo at may dalang basket, isang cowboy na naka-sumbrero at hawak ang baril niya, si Voltes V, at ang mga bisita ng papa niya sa bahay. Tatlong beses din siya nahulog sa hagdan habang hinahabol ng aso.
Pagtungtong niya ng anim na taon, nag-umpisa siyang mag-aral ng kinder. Dito niya nakita ang ganda ng kalsada. Ang buhay sa lubak-lubak na daan patungong iskuwelahan. Hinahatid siya ng kanyang mama o lola at hinihintay hanggang mag-uwian. Nariyang buhatin siya ng mga ito kapag baha, nariyang awayin nila ang mga batang umaaway sa kanya huwag lang siya maargabyado, at nariyang pantalin na ang buong katawan nila dahil sa mga higad sa may punong hintayan ng mga sundo. Ang konsolasyon na lang nila ay ang mga bagong diskubre na tsismis araw-araw, sa piling ng iba pang mga magulang na sumusubaybay din sa kanilang mga anak.
Ang batang ito ay agad na kinakitaan ng kanyang mga guro nang galing sa pagguhit at maging sa klase. Bagay na pinatunayan naman nang bata. Mula Grade 1 hanggang 5, ang batang ito ay First Honor. Siya ay maraming sinalihan at nakuhang awards sa Math Quiz Bee, sa Nutri-Quiz Bee, Spelling Bee sa radio at sa TV, Bible Quiz Bee, sa Declamation, sa On-the-Spot at hindi On-the-Spot Poster Making Contests, sa Patintero at sa Journalism Contest. Ribbons, certificates, medals, pera, gift certificates sa Jolibee at Fiesta Carnival, isang banner at isang trophy. Siya ay napasali sa Special Education section. Siya ay kinapos ng isang porsiyento para ma-accelerate from Grade 4 to 5. Tinalo niya sa Math Quiz Bee ang mga Grade 6 noong siya ay Grade 5 pa lamang. Nangarap din siyang maging Arkitekto.
Sa gitna nito ay nakukuha niya pang magpaitim sa kakalaro sa kalsada. Dito ay marami din siyang nakuhang awards: isang traveling bag ng teks, isang galong letters, dalawang supot ng tanzan, isang bag at tatlong garapong tau-tauhan, limang kilometrong goma, isang kahong balat ng sigarilyo, isang garapong jolen, maraming beses na pagkakatapak sa ebak ng aso, at maraming sugat at pilay kakalaro ng basketbol, tumbang-preso, piko, patintero, tantsing, teks, alog, mataya-taya, siyato, freaky down 1-2-3, taguan-pung, bang-sak, sipa, doktor kwak-kwak, at chinese garter.
Sa loob ng anim na taon, apat na beses silang nagpalipat-lipat ng bahay. Ang daming naging kaibigan ng batang ito. Mga kaibigang kasama sa kalokohan at kagaguhan. Mga kaibigang naging kapatid na ang turing niya dahil siya ay solong anak lamang.
Naranasan ng batang ito ang magtago sa hinukay na patibong sa mga buhangin dahil may nag-aamok ng itak sa kalsada, mandaya sa pag toss coin ng bente singko sentimos para makalibre sa nilalakong bibingka, mangupit nang tau-tauhan ng kakampi habang binabantayan niya ito, matamaan nang bato ang ulo at ang kinakaing ice scramble, mag-iiyak sa pagkawala nang wallet na ang laman ay dalawang pisong papel, kiligin sa pagsulat sa slumbook, matuto sa Batibot, matuto nang Batibot, humanga kay MacGyver, hikain kakalaro ng basketbol, ma-demote mula sa pagiging pangulo ng klase dahil hindi daw marunong magpapila, mapasali sa choir sa simbahan(?), magkaroon ng maraming crushes, um-attend nang science camping kasama ang maraming lamok, mawalan nang hand throwel sa gardening class, makipagsuntukan sa dalawang bestfriend niya, maging leader sa graduation practice, sumuka dahil pinilit kumain ng itlog at uminom nang softdrink, magpatule sa doctor na babae, magsayaw ng “Billie Jean”, “Thriller” at worm, mangarap makalipad, mag-skateboard, tapusin ang “Super Mario 1” sa Family Computer sa loob nang sampung minuto, mahulog sa kanal, maligo sa ulan, mamboso at mantsansing nang kaklase, magbigay at mabigyan nang balentayms card, magpuyat sa kanonood nang wrestling, at maging isang huwarang boy scout.
At tulad ng inaasahan, siya ang naging valedictorian nang batch nila. Kasama sa naiuwi niya ay ang una niyang girlfriend. Ang una niyang date sa Jolibee. Ang una niyang holding hands. Ang una niyang halik. Ang una niyang pag-ibig. Ang batang ito ay AKO.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home